Sabado, Setyembre 28, 2013


DESAPARESIDOS ni Lualhati Bautista

Si Lualhati Bautista ay isa sa mga kilalang magsusulat dito sa Pilipinas. Ang ilan sa mga libro nya na Bata, Bata pano ka Ginawa, Gapo at Dekada ’70 ay ilan lamang sa mga sikat na libro di lang sa Pilipinas kundi pati narin sa iba’t inang bansa.  Sa katunayan, ang mga nobelang Dekada’70 at Bata, bata paano ka ginawa ay na sa pelikula na at nakatanggap ng madaming karangalan.  Ang iba sa mga librong isinulat ni Bautista ay patungkol sa Martial Law.

            Si Luahalhati Torres Bautista o mas kilala na Lualhati Bautista ay ipinanganak noong Disyembre 2, 1946 sa Tondo Manila. Nag aral ng elementary sa Emilio Jacinto Elementary School at nag high school naman sa Torrres High school.  Nag kolehiyo sya sa Lyceum Philippines University ngunit nag drop out din bago pa man matapos ang kanyang unang taon sa kolehiyo.

            Ang isa sa aking nabasang libro na isinulat ni Lualhati Bautista ay ang “Desaparesidos”  o ibig sa bihin sa Ingles ay “Disappeared People”.  Ito ang kwento ng ilan sa mga taong kasali sa NPA mga tao, na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan noong panahon ng Martial Law. Ang mga pangunahing tauhan ay sila: Anna, Roy, Lorena at si Malaya.

            Nag umpisa ang istorya sa pag papakita ng mga larawan si Sister Lourdes, ng isang batang babae na  walang awa na ni rape at pinatayata ng mga vigilante. Sa umpisa palang ng nobela, nalaman na natin kung gaano ka lakas ang punto devista ni Bautista at nag tuloy tuloy pa ito hanggang matapos ang nobela.

Mga Tauhan:
·         Anna (Ka Leila) –Isang babae na kasama sa NPA. Ina ni Malaya
·         Ronildo Ibanag  (Roy)- Kasama rin sa NPA
·         Nonong- Kasama din sa NPA, pinatay ng mga sundalo.
·         Malaya- Anak ni Anna kay Nonong
·         Lorena- Anak ni Anna kay Ronildo
·         Jinky- Asawa ni Karla
·         Karla- Asawa ni Jinky, sakanya iniwan ang ni Anna si Malaya
·         Tatay Manuel- Tatay ni Roy na pinatay din ng mga sundalo
·         Rissa at Nene- Mga Kapatid ni Roy
·         Sgt. Reyes- Naging kaibigan ni Roy sa kulungan nang mahuli sya ng mga sundalo.

Ang Desaparesidos  ay tungkol kay Anna o Ka Leila para sa mga kasama  nya sa NPA. Isang babae na nawalan ng Asawa dahil pinatay ng mga sundalo.  May anak silang dalawa ni Nonong na si Malaya ngunit dahil hindi ligtas ipinaubaya ni Anna si Malaya sa pamilya ni Roy. Tinggap ito ng pamilya ni Roy at si Karla na isang buntis at mahilig sa bata ang nag alaga kay Malaya.  Di nag tagal ay dumating na ang mga sundalo tatlong baryo bago pa dumating sa baryo kung saan namamahay ang pamilya ni Roy. Pinaalis na ni Mang Manuel sila Karla at Malaya bago pa man dumating ang mga sundalo sa kanilang baryo.   Isinama ni Tatay Manuel sila Karla sa lupok ng mga tao na pinu-prusisyon ang block rosary para makatakas sila at di mapansin ng mga sundalo.  Ayon sa narinig na kwento ni Roy, tungkol sa pagkamatay ng buong pamilya nya,  Hinahanap ng mga sundalo ang tao na may Pangalan na Ronildo Ibanag at nag sabi si Tatay Manuel na anak nya ito. Tinanong ng mga sundalo  kung nasaan si Ronildo pero ayaw mag salita ni Tatay Manuel kaya binugbog nila ito hanggan sa huli ay di parin nag sasalita si Tatay Manuel kaya umalis na ang mga sundalo, nagpaputok sila ng armalite sa tapat ng bahay nila Roy biglang sumigaw ang nanay ni Roy na “Nene!!!!” natamaan ng bala si Nene. At pagkatapos pagpuputukan ang bahay nila Roy ay kumuha pa sila ng sulo at sinunog ang bahay kasama na ang mga tao sa loob ng bahay.  Hindi lang naman daw si Roy ang nawalan ng mahal sa buhay, kaya sa tuwing may namanatay sa kanilang pamilya sinasabi nalang nila na “kasama, iyon sa pakikibaka” at idadag pa nila na “Gaganti tayo, Kasama”.

Nahuli ng mga sundalo si Anna at Jinky dahil lumabas sila para hanapin sila Karla at Malaya, sa bahay kung saan dapat sila ay makikitulog. Nakita nila na may mga taong nasa owner at naka helmet. Pinatakbo kaagad ni Jinky si Anna ngunit nahuli parin sila. Pinagsamantalahan ng mgasundalo si Anna at pinahirapan naman nila si Jinky, dahilan para magsalita siya kung nasan na ang mga kasamahan nya.

Dahil alam na ng mga sundalo kung namumugad ang mga NPA, halos lahat kasama ni Roy ay nahuli, sa katunayan ay pati sya ay nahuli. Sa bilangguan na nya nakilala si Sgt. Reyes na mabait at matanda na. Kapag wala ang boy na tagatapon ng basura, madalas ay si Sgt. Reyes pa ang kumukuha neto at pagkatapos ay nakikipag kwentuhan pa siya sa mga bilanggo. At dahil pinagkakatiwalaan na si Roy ng ibang mga sundalo doonj kasama si Sgt. Reyes, pinayagan nila itong magtapon ng basura kasama ang boy, at doon sya nag karoon ng pag kakataon makatakas.

Nagkaroon ng anak sila Anna at Roy ito ay si Lorena, na sa kanyang pagkabata ay naguguluhan sa lagging pag alis ng kanyang mga magulang at madalas ay iniwan sa mga bahay ng kanilang mga di-kilalang mga kamag-anak at mga kaibigan. Nagkita sila ni Malaya, na lumaki sa ibang bansa na umiwi ditto sa Pilipinas dahil nalaman nya ang tungkol sa kanyang tunay na mga magulang. Naging bukas naman si Lorena sa pagkilala nya sa kanyang kapatid dahil ayon sa kanya ay gusto nya ding Makita si Malaya.

Naging maganda ang pagtatapos ng kwento, nahirapan man ang mga panugnahing bida na si Anna at Roy, nakayanan naman nila ang mga pagsubok na dumaan sa kanila.

Ang mga salitang ginamit ni Lualhati Bautista ay pinaghalong Tagalog at Ingles kaya madali itong maintindihan ng mga mga kabataan. Yun nga lang may mga salita na hindi talaga angkop sa mga bata dahil may mga mura at kadalasan mga bastos na salita pa.  Na, para saakin talagang magaling dahil malakas ang loob nyang ipakita ang saloobin nya o saloobin ng mga tauhan nya tungkol sa mga sundalo at gobyerno ni Marcos. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento