DESAPARESIDOS ni Lualhati Bautista
Si Lualhati Bautista ay isa sa mga kilalang magsusulat dito
sa Pilipinas. Ang ilan sa mga libro nya na Bata, Bata pano ka Ginawa, Gapo at
Dekada ’70 ay ilan lamang sa mga sikat na libro di lang sa Pilipinas kundi pati
narin sa iba’t inang bansa. Sa
katunayan, ang mga nobelang Dekada’70 at Bata, bata paano ka ginawa ay na sa
pelikula na at nakatanggap ng madaming karangalan. Ang iba sa mga librong isinulat ni Bautista
ay patungkol sa Martial Law.
Si Luahalhati Torres Bautista o mas
kilala na Lualhati Bautista ay ipinanganak noong Disyembre 2, 1946 sa Tondo
Manila. Nag aral ng elementary sa Emilio Jacinto Elementary School at nag high
school naman sa Torrres High school. Nag
kolehiyo sya sa Lyceum Philippines University ngunit nag drop out din bago pa
man matapos ang kanyang unang taon sa kolehiyo.
Ang isa sa aking nabasang libro na
isinulat ni Lualhati Bautista ay ang “Desaparesidos”
o ibig sa bihin sa Ingles ay “Disappeared People”. Ito ang kwento ng ilan sa mga taong kasali sa
NPA mga tao, na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan noong panahon ng
Martial Law. Ang mga pangunahing tauhan ay sila: Anna, Roy, Lorena at si
Malaya.
Nag umpisa ang istorya sa pag
papakita ng mga larawan si Sister Lourdes, ng isang batang babae na walang awa na ni rape at pinatayata ng mga
vigilante. Sa umpisa palang ng nobela, nalaman na natin kung gaano ka lakas ang
punto devista ni Bautista at nag tuloy tuloy pa ito hanggang matapos ang
nobela.
Mga Tauhan:
·
Anna (Ka Leila) –Isang babae na kasama sa NPA. Ina ni
Malaya
·
Ronildo Ibanag (Roy)- Kasama rin sa NPA
·
Nonong- Kasama din sa NPA, pinatay ng mga
sundalo.
·
Malaya- Anak ni Anna kay Nonong
·
Lorena- Anak ni Anna kay Ronildo
·
Jinky- Asawa ni Karla
·
Karla- Asawa ni Jinky, sakanya iniwan ang ni
Anna si Malaya
·
Tatay Manuel- Tatay ni Roy na pinatay din ng mga
sundalo
·
Rissa at Nene- Mga Kapatid ni Roy
·
Sgt. Reyes- Naging kaibigan ni Roy sa kulungan
nang mahuli sya ng mga sundalo.
Ang Desaparesidos ay tungkol kay Anna o Ka Leila para sa mga
kasama nya sa NPA. Isang babae na
nawalan ng Asawa dahil pinatay ng mga sundalo. May anak silang dalawa ni Nonong na si Malaya
ngunit dahil hindi ligtas ipinaubaya ni Anna si Malaya sa pamilya ni Roy. Tinggap
ito ng pamilya ni Roy at si Karla na isang buntis at mahilig sa bata ang nag
alaga kay Malaya. Di nag tagal ay
dumating na ang mga sundalo tatlong baryo bago pa dumating sa baryo kung saan
namamahay ang pamilya ni Roy. Pinaalis na ni Mang Manuel sila Karla at Malaya
bago pa man dumating ang mga sundalo sa kanilang baryo. Isinama ni Tatay Manuel sila Karla sa lupok
ng mga tao na pinu-prusisyon ang block rosary para makatakas sila at di mapansin
ng mga sundalo. Ayon sa narinig na
kwento ni Roy, tungkol sa pagkamatay ng buong pamilya nya, Hinahanap ng mga sundalo ang tao na may
Pangalan na Ronildo Ibanag at nag sabi si Tatay Manuel na anak nya ito.
Tinanong ng mga sundalo kung nasaan si
Ronildo pero ayaw mag salita ni Tatay Manuel kaya binugbog nila ito hanggan sa
huli ay di parin nag sasalita si Tatay Manuel kaya umalis na ang mga sundalo,
nagpaputok sila ng armalite sa tapat ng bahay nila Roy biglang sumigaw ang
nanay ni Roy na “Nene!!!!” natamaan ng bala si Nene. At pagkatapos pagpuputukan
ang bahay nila Roy ay kumuha pa sila ng sulo at sinunog ang bahay kasama na ang
mga tao sa loob ng bahay. Hindi lang
naman daw si Roy ang nawalan ng mahal sa buhay, kaya sa tuwing may namanatay sa
kanilang pamilya sinasabi nalang nila na “kasama,
iyon sa pakikibaka” at idadag pa nila na “Gaganti tayo, Kasama”.
Nahuli ng mga sundalo si Anna at Jinky dahil lumabas sila
para hanapin sila Karla at Malaya, sa bahay kung saan dapat sila ay
makikitulog. Nakita nila na may mga taong nasa owner at naka helmet. Pinatakbo
kaagad ni Jinky si Anna ngunit nahuli parin sila. Pinagsamantalahan ng
mgasundalo si Anna at pinahirapan naman nila si Jinky, dahilan para magsalita
siya kung nasan na ang mga kasamahan nya.
Dahil alam na ng mga sundalo kung namumugad ang mga NPA, halos
lahat kasama ni Roy ay nahuli, sa katunayan ay pati sya ay nahuli. Sa bilangguan
na nya nakilala si Sgt. Reyes na mabait at matanda na. Kapag wala ang boy na
tagatapon ng basura, madalas ay si Sgt. Reyes pa ang kumukuha neto at
pagkatapos ay nakikipag kwentuhan pa siya sa mga bilanggo. At dahil
pinagkakatiwalaan na si Roy ng ibang mga sundalo doonj kasama si Sgt. Reyes,
pinayagan nila itong magtapon ng basura kasama ang boy, at doon sya nag karoon
ng pag kakataon makatakas.
Nagkaroon ng anak sila Anna at Roy ito ay si Lorena, na sa
kanyang pagkabata ay naguguluhan sa lagging pag alis ng kanyang mga magulang at
madalas ay iniwan sa mga bahay ng kanilang mga di-kilalang mga kamag-anak at
mga kaibigan. Nagkita sila ni Malaya, na lumaki sa ibang bansa na umiwi ditto sa
Pilipinas dahil nalaman nya ang tungkol sa kanyang tunay na mga magulang.
Naging bukas naman si Lorena sa pagkilala nya sa kanyang kapatid dahil ayon sa
kanya ay gusto nya ding Makita si Malaya.
Naging maganda ang pagtatapos ng kwento, nahirapan man ang
mga panugnahing bida na si Anna at Roy, nakayanan naman nila ang mga pagsubok
na dumaan sa kanila.
Ang mga salitang ginamit ni Lualhati Bautista ay pinaghalong
Tagalog at Ingles kaya madali itong maintindihan ng mga mga kabataan. Yun nga
lang may mga salita na hindi talaga angkop sa mga bata dahil may mga mura at
kadalasan mga bastos na salita pa. Na,
para saakin talagang magaling dahil malakas ang loob nyang ipakita ang saloobin
nya o saloobin ng mga tauhan nya tungkol sa mga sundalo at gobyerno ni Marcos.